Sikat na sikat sa Youtube ngayon ang mga performances ng mga top female singers ng Pilipinas ngayon dahil sa pagkanta nila ng super hit song ni Nicki Minaj na Super Bass.
Una na diyan na pinerform ang kantang ito ay ang Ultimate Media Star na si Toni Gonzaga sa isa sa mga production number ng ASAP rocks! Nandiyan din ang version ng Pop Star Princess na si Sarah Geronimo during a special number in ASAP. Ang teen singer naman na si Julie Ann San Jose ay may version na may acoustic touch sa loob ng isang studio featuring a young guitarist.
Sa aming opinyon, si Julie Ann San Jose ng Party Pilipinas ang may pinkamagandang version. Malinis kasi at mapapa wow ka sa version niya. Bata pa tong si Julie Ann ha pero lumelevel na ito kina Sarah at Toni in terms of singing prowess. Kaya lang bat wala pang super hit song itong si Julie Ann? Well, mag Star Record kaya siya? Just Kidding. . .
Eto naman ang results ng Youtubes hits as of today, October 5, 2011
1. Julie Ann San Jose- 6,763,284
2. Sarah Geronimo- 872,515
3. Toni Gonzaga- 41,141
Eh kayo, sino ang may pinakamagandang version ng Superbass?