Ang kauna-unahang grand champion ng Star Power at ang Prince of Pinoy Indie Films ay magsasama sa isang pelikula. Yes, Angeline Quinto and Coco Martin.
Wala pang napapatunayan si Angeline Quinto sa larangan ng pag-arte pero ayon sa kanya masayang masaya siya dahil wish come true ang pagtatambal nila ni Coco Martin. Ayon sa kanya via Push.com, "Tinutulungan naman po ako ni Coco kaya't nagpapasalamt ako sa kanya. Minsan nga po, nahihiya na ako pag lumalapit siya sa akin kasi alam naman niya na crush ko siya noon pa man. Mukhang nagiging open masyado si Angeline sa kanyang nagiging statement! Masyado ng O.A.!
Ang tanong na lang eh papatok ba to sa takilya? Hala, mukhang malabong mangyari yan! Bakit ika mo? Eh wala pang napatunayan si Coco Martin sa mainstream movies na siya ang starring! Ang Noy kahit documentary movie iyon ay di pa rin maituturing na blockbuster kasi naman di man lang ito nakaabot ng 15 million pesos, ang Sayo lamang ay hindi starring role niya kasi nandoon naman sina Bea Alonzo, Enchong Dee at Zanjoe Marudo. Pinagunahan naman ng movie na iyon nina Lorna Tolentino at Chrisyopher de Leon. Kaya't ang maibubuga lamang ni Coco sa movie na gagawin nila ay yong pag-arte lang. at si Angeline is sa pagkanta lang!
May mga workshops naman na ina-ttend ni Angeline at pinaghusayan naman niya iyon. Kaya lang kulang pa. Bakit ba nagmamadali ang Star Cinema at ABS-CBN na gawan ng pelikula si Angeline at Coco?
Staright to the point prediction: Hindi ito magiging flop, hindi rin blockbuster! So moderate lang ang magiging sales ng tickets ng movie nila! We believe it to happen in 95% probabability to occur!
Eh kayo salungat kayo sa ideya namin?
