Pages

  • Home
  • About Me

Wednesday, September 28, 2011

Kim Chiu Well Deserved Ang Title Na Primetime Princess!

Sa aming ginawang poll kung sino sa dalawang bigating actress sa kanilang henerasyon ang TUNAY na pwede maitutirng na Primetime Princess, Si Kim Chiu ng My Binondo Girl and waging wagi sa pagkapanalo sa 1,411 votes kumpara sa kalabang si Erich Gonzales na nakakuha lang ng 944 votes.

Sa kasalukuyan, pinapakita ng dalawang actress ang kanilang husay sa pag-arte sa panggabi drama series. Si Erich Gonzales sa Maria La Del Barrio at si Kim Chiu naman sa My Binondo Girl.

Karapat-dapat naman talagang tawagin si Kim Chiu na Primetime Princess sapagkat madami na naman siyang mga Primetime series na naghit talaga like Sana'y Maulit Muli and My Girl na siya ang pangunahing artista. Sinundan pa ng Tayong Dalawa na super hit and highly recommended. Ganun din ang nangyari sa Kung Tayo'y Mgakakalayo. Lahat ng nabanggit na drama ay kasama ang loveteam niyang si Gerlad Anderson.

Well, sa amin opinyon, kay Kim Chiu na ang titulong Primetime Princess because napatunayan na niya yan and she still improving. Oo magaling umarte si Kim pero minsan walang variations but bata pa siya marami pa siyang matutunan. Kay Erich Gonzalez naman ay ilang beses na nang napatunayan ang actress na'to na magaling talagang umarte at umiyak.


Kim Chiu who was admired by people is also a star to other stars.

Monday, September 26, 2011

Papatok Kaya Ang Movie Nila Coco Martin At Angeline Quinto? Mukhang Malabo!

Ang kauna-unahang grand champion ng Star Power at ang Prince of Pinoy Indie Films ay magsasama sa isang pelikula. Yes, Angeline Quinto and Coco Martin.

Wala pang napapatunayan si Angeline Quinto sa larangan ng pag-arte pero ayon sa kanya masayang masaya siya dahil wish come true ang pagtatambal nila ni Coco Martin. Ayon sa kanya via Push.com, "Tinutulungan naman po ako ni Coco kaya't nagpapasalamt ako sa kanya. Minsan nga po, nahihiya na ako pag lumalapit siya sa akin kasi alam naman niya na crush ko siya noon pa man. Mukhang nagiging open masyado si Angeline sa kanyang nagiging statement! Masyado ng O.A.!

Ang tanong na lang eh papatok ba to sa takilya? Hala, mukhang malabong mangyari yan! Bakit ika mo? Eh wala pang napatunayan si Coco Martin sa mainstream movies na siya ang starring! Ang Noy kahit documentary movie iyon ay di pa rin  maituturing na blockbuster kasi naman di man lang ito nakaabot ng 15 million pesos, ang Sayo lamang ay hindi starring role niya kasi nandoon naman sina Bea Alonzo, Enchong Dee at Zanjoe Marudo. Pinagunahan naman ng movie na iyon nina Lorna Tolentino at Chrisyopher de Leon. Kaya't ang maibubuga lamang ni Coco sa movie na gagawin nila ay yong pag-arte lang. at si Angeline is sa pagkanta lang! 

May mga workshops naman na ina-ttend ni Angeline at pinaghusayan naman niya iyon. Kaya lang kulang pa. Bakit ba nagmamadali ang Star Cinema at ABS-CBN na gawan ng pelikula si Angeline at Coco?

Staright to the point prediction: Hindi ito magiging flop, hindi rin blockbuster! So moderate lang ang magiging sales ng tickets ng movie nila! We believe it to happen in 95% probabability to occur! 

Eh kayo salungat kayo sa ideya namin?

Thursday, September 15, 2011

Angel Locsin, Gagawin Box Office Queen Ng Star Cinema Ngayong 2011!? Possible Pang Maging Grand Slam Queen??

Dahil sa super blockbuster na movie ni Angel Locsin na In The Name of Love, bulong-bulongan na gagawin ng Star Cinema si Angel na maging Box Office Queen of 2011 sa pamamagitan ng pagsasama nila ni John Lloyd Cruz sa isang malaking pelikula.

        Kung mangyayari man ang movie na'to ngayong taon ay napakalaki ng tsansa na mahabol nila ang current number 1 movie sa Philippines Box Office Chart ngayon na pinagbibidahan nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson na Catch Me, Im In Love.

      Ang movie ni Angel ay nasa rank 2 kasama sina Jake Cuenca at Aga Muhlach. Sinasabing malaki rin ang laban ni Angel sa pagiging grandslam Best Actress sa nasabing pelikula! A netizen stresses, "She was great in the movie, emotion check, character check and the delivery of lines check!", her performance is SUPERB!".

     
      Samantala, ang movie naman na muling pagsasamahan nina Gerald at Sarah ay magaganap pa next year so kung maabot man ng peilikula nila Angel at John Lloyd ang status nila,kay Angel na ang korona. Ngunit marami pa din makakalaban ang actress dahil may mga Metro Manila Film Festival Entries pa! Nandiyan pa sina Ai Ai delas Alas, Kris Aquino, Marian Rivera, Eugene Domingo and Judy Ann Santos.

Other strong contenders sa nasabing title ay sina Bea Alonzo, Angelica Panganiban and Toni Gonzaga.

For the information of all our readers, ang top 3 movies this year ay:

1. Catch Me…I’m In Love – P120.21M (Gerald Anderson and Sarah Geronimo)
2. In the Name of Love – P117.2M (Angel Locsin and Aga Muhlach)
3. Pak! Pak! My Dr. Kwak! – P72.31M (Vic Sotto and Bea Alonzo)



Sa palagay niyo sino kaya ang magiging Box Office Queen of 2011?

Pilipinas Got Talent Season 3, Bagsak Na Sa Ratings! Wala Na Kayang Mangyayaring 4th Season?

Bumaba ng bumaba ang ratings ng Pilipinas Got Talent Season 3 every week and now only 21.1% lang ang nakuha!! Anong nangyari??!!

Hosted by Billy Crawford and Luis Manzano, napanatili ng show ang magandang reception ng pagtanggap at pagtangkalik ng mamayang Pilipino sa lumipas na dalawang season ng nasabing show! Pero bakit ngayon season 3, humihina na nag ratins nito. Hindi na nga maka number 1 sa Kantar TV weekend ratings! 

Natatalo na ng Maalala Mo Kaya at Wansapanataym tuwing Sabado at Rated K naman pag linggo!

Based on Kantar Media Nationwide TV Ratings, on September 10, 2011 Saturday, Pilipinas Got Talent only scores a 21.1% which ranks the show at number 4 compare to previous season na palaging number 1 ang show nato na nakaka register ng above 30% of tv ratings nationwide! And by Sunday, it again scores another 24.3% occupying 2nd spot! This is not a good feedback for the said. Para kasing indication ito na umay na masyado o di na masyado interesado ang mga manonood dahil paulit-ulit lang at walang pahinga ang nasabing talent show!

Idagdag pa ang 3 judges na walang sense mag comment! Sabi pa nga ng isang netizen "Common masyado ang comments ng 3 judges. Naeexpect na namin yong judgement nila. Sana naman pumili ang management ng mga judges na talagang MARUNONG bumitiw ng comments at judgement!

Pwede bang sa next season kung mangyayari man yan eh huwag ng i-renew ang pagiging judge ng 3? Ang dalawang host lang ang huwag palitan!

Ano sa tinging niyo guys?

Monday, September 12, 2011

Shamcey Supsup Deserves A Higher Rank! 1st In Fan Ranking, But 4th in Judge Ranking! Implement An English Speaking Rule!

Out of 89 countries, Miss Angola was crowned as Miss Universe 2011! BUT Shamcey Supsup deserves the title also!

Consistent si Shamcey sa pagrampa ng swim wear niya at long gown. Nasa second post nga siya botth sa nasabing mga portion. Magaling siyang lumakad, glamorosa and the smile?? Its killing everybody's heart, Nakaka-lighten yong smile niya.

Habang nasa semi-finals, nakakaloka naman itong dalawang female commentors na kahit hindi nag bitiw ng masama laban kay Shamcey eh very unlikely naman silang magcomment sa kanya na parang wala lang. Masyadong, pinangangalandakan ng mga commentors na ito kung bakit hindi nasali sa top 10 or top 5 yong bet nila. Kayo na lang ang mag magjudge, hwag na kayong mag commentator. Mas magandang mag comment sila about the performance, the ramp, the glow, the aura, the walk, and the presence of the contestant. 


On the other hand, nakaka-disappoint talaga ang result ng Miss Universe 2011 kasi lahat ng nasa top 5, China, Brazil, Ukraine, Angola and Philippines, tanging si Shamcey lang ang walang interpreter! Dapat mas mataas ang vote or percentage niya! Maganda rin ang laman ng sagot ng pinay beauty!

Her Q and A: Would you change your religious beliefs to marry the one you love?


She hummbly answered, “If I had to change my religious beliefs, I would not marry the person that I love because the first person that I love is God who created me and I have my faith and my principles and this is what makes me who I am. And if that person loves me, he should love my God too."


Meanwhile, the crowned Miss Universe 2011, Angola was questioned by Philippine’s pride, Miss Saigon, Lea Salonga.
Salonga’s qustion: “If you could change one of your personal characteristics, which one would it be and why?
Lopes calmmly replied: “Thank God, I’m very well satisfied with the way God created me and I would not change a thing. I consider myself a woman with inner beauty. I have my principles. I have acquired many wonderful principles from my family and I plan to follow this through the rest of my life.”
Sa ganda nt ayos ng sagot ni Shamcey, english pa ang ginamit, dapat siya nag kinoronahan or sila dapat nag maglaban ng Miss Angola. Dapat din i-impose na ang English Language Question and Answer para talagang patas.
Pero salamat pa din kay Shamcey may naidagdag na naman siyang karangalan sa ating bansa!
WE ARE PROUD OF YOU!

-pictures credit to owners-

Ultimate Female Teen Fashionista

Being pretty is not only about the face but also on how people treat their body by wearing clothes and dress especially the girls.


Isa na sa mga sumsasabay sa trend ng clothes and dress ay ang mga teen stars natin. Mapa RTW man o di kaya'y brand name or sa sosyal na designer's clothes pa pinagawa, basta lang maging kaaya-aya at katangi-tangi sa paningin ng tao.

Una sa listahan sa mga teen stars na umaariba as a fashionista ay ang PBB Teen alum/print ad model Fretzie Bercede, ang charming angel ng Cebu.

She was part of a Star Magi Talent before siya sumali sa PBB teens kaya lutang na lutang na sa kanya ang edge na possible siyang maging artista. Kahit wala pang magandang break si Fretzie as an actress, ay in demand pa din siya sa mga out of town shows and mall tours. 

Sa pic na to (credits to owner), ay kinuha pa sa Davao nang pumunta siya sa nasabing city to have charity shows kasama ang iba pang kapwa PBB alum ay kitang-kita ang lutang na pagka fashionista in a summer get-up inpired with shades and hats para makaiwas sa init.


Second sa amin list ay nanggaling naman sa Davao mismo na isa rin PBB teen alum. Yes, she's Tricia Santos. Ang teen star na mula pag kabata pa ay gusto ng mag-artista ay ngayon isa na sa mga pinaka controversial na PBB teen star.

Despite wearing a very simple and plain sleeveless, nakalugay lang ang hair and only the earrings are her glam item,  nag shishine pa din ang kagandahan ng teen star na'to. May be because of her fair white complexion kayat kahit anong isuot niya'y nagloglow pa din siya.


Third in our list ay ang batang mahusay kumanta noon na kabilang sa isang grupo ay ngayon isa ng regular at main solo performer ng isang variety/entertainment show. Julie Ann San Jose is not only a singer at her cost but also a pretty fashionista at her expense!

Malimit na nakikita noon na siya ay nagsusuot lang ng jeans at simple t-shirt with a tight jacket para mas edgy tingnan ay ngayon nag-glaglam  na to offer her viewers her singing power with beautiful semi-formal gown! Dalaga na nga talaga!



Pang-apat sa amin listahan ay ang Tween Hearts' kontrabida star Lexi Fenandez. Iba naman ang style ni Lexi dahil very colorful ang bright ang sinusuot niyang damit. Kahit kontrabida siya, namamagnify naman daw ng pagiging lively ang bright ng personality niya dahil sa kanyang mga sinusuot na outfit.

In this pic, kahit over lapped masyado ng mga ibat-ibang beads and shirts niya, it still manage to attract attention dahil sa nakasuot siya ng pink lace jacket, idagdag pa na sobrang tight  ng shirt niya. She really know how to handle clothes kahit patong-pato pa ito!

Another PBB Teen alum is included in our list (marami talagang fashionista sa PBB teens 3rd season). A Shorty Awardee, none other than Ann Li. Napatunayan na ni Ann Li ang pagiging certified fashionista since nanalo na siya ng International award. But hindi lang yan ang basehan namin. 

Li's style is unique yet very current and captivating. Mala-kpop/taiwanese kasi ang features niya kaya maganda sa paningin. idagdag mo pa ang white fair skin niya na talagang nakaka capture ng atensiyon kahit anong isuot pa niya!

Like eating a humburger na pinatong ang lalagayan ng burger sa ulo niya that looks her like a pretty marine girl. But she still displays the cutest pa rin.


Last in our list is a former child actress turn teen actress naman. Bea Binene is her name. Admitted naman ng nasabing young actress na medyo nahohook siya sa mga damit dahil isa siyang fashionista! At a young age, marunong ng mag-make-up at mamili ng tamang damit na babagay sa kanya.

Dahil maganda naman ang mukha, nakukuha niya agad ang perfect match dress na pwede i pair sa katawan niya. She also loves wearing simple outfits like jeans and plain t-shirts.


Anong masasabi niyo sa anim na female teens na nakasali sa aming list? Sino ang pwedeng tawagin ultimate Teen Female Fashionista?



Straight to the point: Ann Li deserves to be claimed teen female fashionista hindi dahil sa nanalo na siya ng award kundi dahil versatile siyang mag invent ng ibat-ibang style for her to shine most. Fortunately, lahat ng dinedesign niya for herself is worthy to wear since na aacknowledged iyon ng mga tao!

So kayo? Agree ba kayo sa aming final choice? How about our list?



Sunday, September 11, 2011

Pinay Teen Beauties: Kathryn Bernardo V.S. Devon Seron V.S. Kim Komatsu

Morena, slim, petite and beautiful are some of the best attributes of a real Pinay beauties. Tatlong mga teen girls ang maglalaban for the best Pinay beauty!


Kim Komatsu currently appears in hit afternoon drama series Sinner or Saint. She is also an extended cast of Teen Series Tween Hearts.

A certified Bisaya is Devon Seron who appears in Mula Sa Puso first. She then became one of the regular cast of teen series in ABS-CBN, Good Vibes.

And of course, Mara Clara herself, Kathryn Bernardo bloomed to stardom after the hit seires is now enjoying as one of the lead stars of Growing Up!



Straight to the point verdict: Ang tatlong ito ay magaganda at mahuhusay din umarte sa isang baguhan artista (except Kathryn) but we would go for Devon Seron sa kadahilanan kumikislap ang mata nito pag ngumingiti at nagtatangi ng magagandang asal tulad ng isang tunay na kagandahan ng Pinay.

So, kayo sino sa palagay niyo sa tatlo ang best teen pinay? Boto na!




Panawagan! Palitan Ang Mga Judges Ng Pilipinas Got Talent!

Walang kwenta, non-sense, out of pity, wrong grammar at maling pag comment. Ilan lang yan sa mga negatibo at nakakairitang komento ng ibang mga nanonood (most likely yong mga may pinag-aralan o yong mga taong mas mataas ang antas ng pag-iisip o yong sinasabi nating matalino at mautak).


Malaking katanungan kung bakit ang dalawang malalaking actress ng ABS-CBN na sina Kris Aquino at Ai Ai delas Alas na maging final judges ng nasabing show! Wala kasing katalent-talent ang mga ito! Hindi mahusay kumanta o sumayaw kung kaya't pag nagveverdict ito ng final comment eh out of pity in many times and dahilan. Hindi na nila naaiisip na mas may mga magagaling na act pa kaysa sa performance ng iba. 


Some quotes  na talagang nakakainis ay ang pag dindeclare nila Kris at Ai Ai na "dahil taga _____ ka at mahal ko ang ______. Pasok ka na!!!

Even FMG, Freddie M. Garcia, marami na ang nakakapansin na wrong grammar at pauli-ulit pa ang mga comment! My god, ang taas ng position ng tatlong ito sa ABS-CBN. Ito ba ang basehan ng management kung kaya't sila ang napili bilang maging hurado? 

Palitan na yang tatlo na yan. Ipalit yong mga judges na direct to the point ang judgement at walang favoritism sa lugar na pinanggalingan.

Kayo pa, nakakauma na ba ang mga comments ng 3 bigating judges na yan?

Friday, September 9, 2011

Mga Hinihinalang Bading Sa Showbiz, Naniniwala Ka Ba?

Marami ngang gwapo sa showbiz world pero marami naman pusong mamon??!

Marami na ang naglalabasan mga artikulo na maraming mga bigating male stars ang nabibilang daw sa ikatlong kasarian ng mundo, BAKLA. Mga ibat-ibang blind item na tintuturo ang mga malalaki at mga gwapong artista na binabae daw. May ibang ulat pa nga na may ebidensiya ba daw sila.  Check out ang F4 namin. 


Una sa listahan ay ang ultimate hearthrob na si Piolo Pascual. Kahit may official gf na siya sa katauhan ni KC Concepcion ay marami pa rin espekulasyon ang naglalabasan na ginagamit lang niya ang actress para mapagtakpan ang totoo niyang balat!

Marami pa rin blind item na mas gusto pa niya ang mga yummy na mga model kaysa sa gf niya. Minsan pa nga daw, nang magkasama ang mag-syota sa isang hotel. Sila lang daw dalawa sa kwarto, pero hanggang mag-umaga wala daw'ng ngyari. 
Naniniwala kami na 65% may pusong babae si Piolo.



Pangalawa sa listahan, ang emosyonal na ama na si Paolo Ballesteros. Kumakailan lang kasi ay di na daw binibigay ang anak niya sa kanya. Isa siya sa mga male host ng Eat Bulaga na palaging tintutukso na kung magdadamit babae daw siya, ay mas maganda pa siya sa ibang babae! Marami na rin mga series na nagdamit pambabae si Paolo, at kering keri naman niya iyon. Magandang bakla ika nga. 75% naniniwala kaming bading si Paolo.

The twin brother of a leading actor, Richard Gutierrez, isa naman host si Raymond Gutierrez. Marami ang nakakapuna na pagnagsasalita siya ay parang bading itong mag dialogue.

Medyo madaldal din ito na hindi na maituturing na common attributes ng isang tunay na ugali. May nagsasabi naman na lalaki talaga si Raymond. Diba nga may scandal pictures sila ni Carla Humphries, isang actress din ng TV5. Pero sabi ng iba, maaring fabricated iyon para mapag-usapan ang actress since the said actress was being managed by his mom, Anabelle Rama. We believe he's 95% gay!

Isa sa pinaka-sikat na leading man sa kanyang henerasyon, Si Enchong Dee ay sumikat ng makasali siya sa hit adaptation ng My Girl. Mas sumikat pa ang actor ng pinares siya kay Erich Gonzales sa Katorse. Buhat don, nagpatuloy na ang pagsikat ng aktor. Subalit, marami ang nagsasabi na may bf na pala itong si Enchong noong wala pa siya sa showbiz. Kaliwa't kanan ang pambabatikos sa kanya sekswalidad!

Nalilink naman si Enchong sa mga kapwa- Star Magic niya pero paraan lang daw yon para mapagtakpan ang totoong Enchong. Kung anupaman, si Enchong ay isa sa mga hottest star ngayon. Bigyan namin siya ng 60% na paniniwala na bading siya.

Ang artikulong ito ay walang intensiyon na siraan ang reputasyon ng mga artistang nakasali sa listahan. Ninanais lang namin na malaman ang pulso ninyo kung kapana-paniwala ba ang mga reports ng ibang artikulo o blind item, na silay mga binabae daw! Ang aming puntos naman ay sa paniniwala lang namin at ito'y posibleng hindi totoo.

May mga maidagdag pa ba kayo sa listahan?

Thursday, September 8, 2011

Angel Locsin Walang Raket Sa TV! Movie With John Lloyd Cruz Lang Ang Pinag-kakaabalahan!

Pagkatapos ng hit serye niya na Imortal at blockbuster na movie na In The Name Of Love, wala na ulit tayong naririnig na balita patungkol sa bagong drama pagbibidahan ulit ni Angel. Ang movie lang niya with John Lloyd ang next transparent project niya this year!

Itlog na itlog sa TV show appearances si Angel ngayon. Hindi ba siya naghihirap kasi wala siyang karaket-raket ngayon?

May iba naman nagsasabi, hindi naman yan mawawalan ng pera sa dami ng TV commercials niyan.

Pero kahit na, ang trabaho ay income. At sa buhay ng artista, importante ang pera dahil hindi gagalawa ang showbiz ng walang pera.

Ang movie naman niya with John Lloyd ay ipapalabas bago mag-bagog taon!

Erich Gonzales V.S. Kim Chiu: Sino Ba Talaga Ang Deserving Sa Titulong Primetime Princess

Mas naunang pumasok si Erich Gonzales sa showbusiness nang manalo siya bilang grand winner ng talent search ng ABS-CBN, ang Star Circle Quest season 2. Naging parte siya ng Star Magic mula noon pero dahil sa bata pa siya ay puro mga extra at supporting roles lang ang nabibigay sa kanya. Samantalang si Kim Chiu ay umariba agad sa TV pagkatapos niyang manalo sa Pinoy Big Brother Teen Edition kung saan siya ang big winner!
Ang dalawang actress ang siyang nangungunang leading ladies sa kanilang henerasyon ngunit una ng napatunayan ni Kim na siya ang primetime princess out of her TV series including Sana'y Maulit Muli, Tayong Dalawa, My Girl, Kung Tayo'y Magkakalayo while Erich Santos breakthrough performance was Katorse. Pagkatapos noon, sinundan iyon ng Tanging Yaman, Magkaribal at ngayo'y Maria La Del Barrio.

Sa kasalukuyang, ang dalwang actress ay sabay napapanood sa primetime block ng ABS-CBN. Ang katanungan sa buong bansa, sino ba talaga ang karapat-dapat na tawaging Primetime Princess ng ABS-CBN? Anu naman ang titulo ng isa? Tagasalo? tsk tsk


Kim Chiu, Over Acting Sa My Binondo Girl! Nakakairita Pakinggan Ang Boses Pero Patok na Patok Ang Love Team Nila Ni Jolo Revilla!

Isang challenge sa primetime princess ng ABS-CBN na si Kim Chiu ang pagbida sa isang teleserye na dalawang  karakter ang ginagampanan.

Magaling umarte si Kim lalo na pag nagiging si Yuan siya(lalaki) pero pag naging Jade naman siya (babae) medyo na oover-emote at napka O.A. ng tingnan, idagdag mo ba ang nakakairitang tinig niya lalo na pag umiiyak!

Samanntala, super patok na man ang tandem ni Kim at Jolo Revilla sa nasabing serye lalo na pag nag-aaway sila na parang pusa't aso. May spark sa bawat eksena ng dalawang artista! Talagang narerecall ng mga tagapanood ng mga serye ang love hate relationship.
Well, maaga pang sabihin kung magiging O.A. pa din si Kim sa mga susunod. Ang My Binondo Girl ay mapapanood tuwing gabi pagkatapos ng 100 Days To Heaven

Marian Rivera Bumubuti Na Ang Ugali, Bumabagsak Naman Ang Career?

Marian Rivera, ang nag-iisang Reyna ng Primetime sa GMA buhat nang siya'y gumanap bilang Marimar, Dyesebel at ngayo'y Amaya. Maraming balita ang nagsasabing lumalaki na ang ulo at nagyayabang pa. Ika nga walang breeding! Pero kumakailan lang, napapansin na ng mga tao na nagiging mababait na si Marian. Tumutulong na kasi siya sa Red Cross Philippines, mapagkawanngawa at ang pagtahimik niya sa issue ng awayan nila ni Heart Evangelista ay maituturing na magandang move para hindi ulit mabahiran ang impresiyon ng mga tao sa kanya- ang pagiging palaaway nga!

Sabi pa ng iba, mas maayos na kung makitungo si Marian ngayon di tulad ng dati na kung magsalita na talagang palaban at paasik. Mas mabuti talagang tumahimik na lang siya.

Kung bumubuti naman ang ugali ni Marian, saka naman lumalamlam ang career niya bilang Reyna. Hindi consistent na top-rated ang Amaya niya ngayon at di maka quota ng 30-50% na kadalasay ratings ng mga drama niya dati. Nariyan pa na hindi na siya masyadong visible as a TV commercial endorser. Ang pelikula naman niyang Temptation Islang, kahit naka 50 million ay maituturing pa ring average income sa isang top actress!

Marami na ang nagtataka kung bakit hindi na nakikita si Marian sa Sunsilk, San Marino, Natasha, Talk n Text, Ponds, Maxi Peel TV commercials.

Mababawi pa kaya ni Marian Rivera ang mga malalaking proyekto niya tulad noon?

Monday, August 8, 2011

Why Is GMA Claiming That They Are Number 1 Network Nationwide Via Advertising While ABS-CBN Keeps Not On Air?


GMA always airs about being the number 1 network nationwide via their advertisement or plug in. The Kapuso network based their claims on the AGB Nielsen TV ratings collections. 


The plug in presents their number of TV Series which captures top slots in TV Ratings like Amaya, Munting Heredera, Secret Garden, 24 oras, and their daytime dramas such as Sisid, Blusang Itim and Sinner or Saint and the most high rated today in terms of variety show, Eat Bulaga which steals the rating via absence of former hit TV show, Wowewee.

But why doesn't ABS-CBN release any plug in since the Kapamilya network shows are also dominationg Kantar Media's TV ratings nationwide like 100 Days To Heaven, Guns and Roses, Minsan Lang Kita Iibigin, TV Patrol and other primetime and weekend shows like Pilipinas Got Talent, Maalala Mo Kaya and Gandang Gabi Vice.

In daytime race according to Kantar's statistics, GMA  dominates the ratings with Eat Bulaga as front runner and their current drama series Blusang Itim, Sisid, and Sinner or Saint. Even their anime shows are also doing well. Their afternoon block gets stronger than ABS-CBN since the former station many years ago leads the tv ratings. This is also releftef in AGB tv ratings.

On the contrary, ABS-CBN kicks asses the Kapuso Network in primetime race as the network manage to rake a 20%-30% ratings of heir drama and other shows. This is rare to happen to Kapuso Network.

In Facebook, ABS-CBN also leads with 1,748,176 likes compare to GMA which has only 280,102 likes. In additions, most of the TV endorsers are from ABS-CBN and their actors are major winners in different award giving bodies, movies are mostly super blockbusters and have plenty commercial loads. Is this supposed to mean that ABS-CBN is not doing well in TV ratings that's why GMA is number 1? Let's not be ignorant!

In this modern-techno world, majority of the millions of the Filipinoes knows who speak for the truth. Compare it to only thousands of people which was surveyed by either AGB or Kantar. Why not try a TV rating measurement with feedback of the Filipino people in this so called internet world which has millions respondents?

ABS-CBN decides not to banner their accomplishments as being number 1 may be because they know that Filipinoes are smart enough to believe what's the TRUTH.


Saturday, July 30, 2011

New Single "One Day" By Charice


International acclaimed Pinoy Artist, Charice finally releases her new music video for her current hit song “One Day”.
The said single is co-written and co-produced by Nick Jonas one of the members of Jonas Brothers for her second international album.
The music video showcase the dance routine of the Pinay singer with her awesome voice to a pop beat.
The music video premiered on July 27, 2011 at AOL Music’s website.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...